Dilaan
ang hinlalaki upang mabasa ito ng iyong laway pagkatapos ay ipunas sa tiyan o kung saang
parte ng katawan ng tao mo ito trip na ipunas...
Pwera
usog..
Kapag
nauusog daw ang isang tao, ito raw ay nakararamdam ng biglaang pagsama ng
pakiramdam. Nagsusuka at nahihilo. Ang tanging makagagamot lamang daw dito ay
ang laway ng kung sino mang naka-usog dito. At kung hindi naman malaman kung
sino ang nakausog ay maaari ring pakuluan ang damit. Pagkatapos gawin ang mga
ito ay makararamdam na agad ng kaginhawaan ang biktima.
Biktima,
nabiktima mo ako nang sabihin mong ako lang at wala ng iba. Nabiktima mo ako noong
naguumapaw ang pagmamahal ko sa iyo pero ang tanging ginawa mo lang ay lokohin
ako. Nabiktima mo ako nang sabihin mong mahal mo ako pero ang totoo pala, siya
ang mahal mo at hindi ako.
Hindi
ako, hindi ako ang nawalan. Araw-araw,
gabi-gabi, segu-segundo, minu-minuto, oras-oras, buwan-buwan pinipilit kong
ipaintindi sa sarili ko na hindi ako ang nawalan. Pero bakit? Bakit sa tuwing
nakikita ko kayo.. pakiramdam ko kulang ako...
Kulang
ako, kulang ako kasi halos buong pagkatao ko ibinigay ko sa iyo. Gusto ko mang
kunin ito pero hindi na kita ma-contact. Laging cannot be reach ang telepono mo. Tumpak ang hula ko. Busy ka sa kanya. Ni minsan hindi ka nagkaganyan sa akin. Naiinggit ako.
Naiinggit
ako, naiinggit ako dahil siya ang
nakabuo sa’yo. Na kahit ibinigay ko lahat, kulang pa rin pala sa’yo.
Pwera
usog...
Didilaan
ko ang hinlalaki ko...
Para mabasa ito ng laway ko sabay ipupunas ko ito sa ulo mo...
Para mabasa ito ng laway ko sabay ipupunas ko ito sa ulo mo...
Hindi
bale ng amoy laway ka araw-araw...
Huwag ka lamang mausog...
Mausog papunta sa kanya...
Huwag ka lamang mausog...
Mausog papunta sa kanya...
No comments:
Post a Comment